Miss Universe Zozibini Tunzi, may birthday message para kay Catriona Gray

177
Photo via IG/catriona_gray

Binati ni reigning Miss Universe Zozibini Tunzi ang kanyang sinundang si Catriona Gray na nagdiwang ng ika-26 kaarawan nitong Lunes, Enero 6.

Sa Instagram noong Martes, nagbahagi si Tunzi ng litrato nilang dalawa matapos ang coronation night nakaraang taon.

“I wish I had more time to get to know you. In the few times that we set and had conversations, I felt your kindness and took in your wisdom,” saad sa post ng South African beauty queen.

INNITY ADS

“Happy belated birthday, queen! May God continue to bless your path,” dagdag niya.




Na-touch naman si Gray na sumagot ng: “Aww thank you, queen!”

Nakaraang taon nang lumipad si Gray sa South Africa upang maging parte ng hurado sa national pageant doon.

Matapos koronahan si Tunzi bilang Miss Universe South Africa, ipinasa naman ni Gray ang korona at titulo sa kanya.