‘Miracle in Cell No. 7’, dark horse sa MMFF 2019

221
Image from Viva Films

Para sa pamunuan ng Viva Films, itinuturing nilang milagro ang patuloy na pagtabo sa takilya ng pelikulang “Miracle in Cell No.7” na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

“Ito na ang pinakamalaking sorpresa na natanggap namin ngayong Araw ng Pasko! Umaga pa lang, marami na ang nakipila at sumuporta sa unang araw ng #MiracleInCellNo7! Maraming salamat po!Β #MIRACLEngayongPasko,” mensahe ng motion picture company nitong Huwebes, Disyembre 26.

INNITY ADS

Abot-langit rin ang pasasalamat ng bidang si Aga Muhlach sa lahat ng mga kapamilyang nanonood.

β€œDaghang salamat sa napakalaking himala na ito. #miracleincellno7,” caption ng aktor sa Instagram kalakip ang retrato ng pag-iikot niya sa mga sinehan.

View this post on Instagram

Daghang salamat sa napakalaking himala na ito πŸ™πŸΌπŸ˜ŠπŸ˜˜πŸŽ₯πŸ™ŒπŸΌπŸ§‘πŸ§‘πŸ§‘ #miracleincellno7

A post shared by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on




Ayon sa ilang may-ari ng sinehan, may tiyansang pumangalawa sa comedy movie na “M&M The Mall, The Merrier”Β ang Pinoy remake ng highest-grossing film of all time sa South Korea, kapag hindi nagbago ang trend sa box-office.

Sa ngayon, nangunguna ang pelikula ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Bumuhos din ng papuri at pagbati mula sa netizens ang cast at crew ng “Miracle in Cell No.7”.Β  Karamihan daw sa kanila, may napulot na aral at lumabas ng sinehan na mugto ang mga mata.

Hanggang Enero 7, 2020 magtatagal ang showing ng mga pelikula ng MMFF.