Mactan-Cebu International Airport, wagi ng parangal sa World Architecture Festival

3136
Facebook/Mactan-Cebu International Airport Authority

Nakasungkit ng pagkilala ang Mactan-Cebu International Airport (MCIA) Terminal 2 sa World Architecture Festival 2019.

Nanalo ang MCIA Terminal 2 sa “Completed Buildings: Transport Category” laban sa Jewel Changi Airport ng Singapore, Istanbul Airport ng Turkey, Hong Kong West Kowloon Station, at iba pa.

Pinuri ng mga hurado ang pagiging simpe at elegante ng airport at paggamit dito ng mga lokal na materyales.

INNITY ADS

Ayon sa MCIA Authority, ang Terminal 2 ay dinesenyo ng Integrated Design Associates (IDA) Hong Kong at principal architect nitong si Winston Shu, sa tulong ng mga “world-class Filipino designer.”

Isa sa mga nag-ambag sa konsepto nito ang tanyag na Cebuano furniture-maker na si Kenneth Cobonpue.




Mayroong 148 hurado mula sa higit 68 bansa ang prestihiyosong architectural awards na ginanap sa Amsterdam Netherlands.