Kuwento ng 2 matulungin na Grab driver, patok online

241
Courtesy Jhane Espina/Senyora Nikki Chavez

Viral ngayon sa social media ang kuwento ng dalawang Grab driver matapos tulungan ang kanilang mga pasahero sa oras ng kagipitan.

Isa na rito si Ronaldo de Guzman, residente sa Caloocan City, at dalawang taon nang tsuper.

Sa Facebook post ni Jhane Espina noong Miyerkules, ikinuwento niyang hindi siya siningil ni De Guzman nang malaman niyang may dengue ang isasakay nito.

INNITY ADS
Courtesy Jhane Espina

Nang makarating sa pagamutan, binigyan ng drayber si Espina ng P1,000 bilang tulong sa kapatid nitong maysakit.

Kuwento ni De Guzman, nauunawaan niya ang sitwasyon ng mga kaanak ng pasahero dahil tinamaan ng dengue ang kaniyang anak noon.




Samantala, hindi naman nagdalawang-isip ang tsuper na si Orlan Cariño na isakay ang isang aso na nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

Courtesy Senyora Nikki Chavez

Ayon kay Senyora Nikki Chavez, hindi tinanggap ni Cariño ang pamasaheng P300 at sinabing regalo na lamang niya iyon sa alagang maysakit.

Dagdag pa ng lalaki, pareho silang dog lover ng pasahero kaya mas mabuting gamitin ang perang ibabayad sa mabilisang paggaling ng aso.

Hiling ng netizens, sana marami pang may malasakit at mababait na Grab driver kagaya nina Kuya Ronaldo at Kuya Orlan.