Kris Aquino sa ‘Hello Love Goodbye’: Posibleng umabot sa bilyon ang kita sa takilya

724
Facebook/ Kris Aquino, Star Cinema

Ipinahayag ni Kris Aquino na isa sa pinakamagandang pelikula na nilabas ng Star Cinema ngayong henerasyon ang “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ayon kay Kris, magang-maga ang mga mata niya matapos manood ng pelikula at sobrang nagustuhan niya ito.

“Obviously, I love the movie… That’s the proof of how much I cried. Naubos lahat [ng tissue], aniya.

INNITY ADS

Ibinahagi rin ni Kris ang ilang eksena sa pelikula na tumatak sa kaniya.

“Doon sa line na, ‘I don’t plan to be your future, but I can be your now’. True, I really reacted to that. I just could not stop crying,” ani Kris.




Ayon kay Kris, lumago si Kathryn bilang aktres at perpekto ang naging tambalan nila sa pelikula.

“Alden was so perfect with Kath. It was such a perfect team-up,” komento ng aktres.

Sinabi rin ni Kris na aabot ng bilyon ang kita ng pelikula dahil sa kasalukuyan ay umabot na sa 500 milyon ang naitala sa takilya.

“Sincerely from my heart, isa sa pinakamagandang pelikula ng Star Cinema na napanood ko in all these years, even from the time I was in ABS-CBN,” pahayag ng Queen of All-Media.

Ang “Hello, Love, Goodbye” ay istorya nila Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa tunay na buhay na nararanasan ng mga domestic helper o Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong sa pangunguna ng batikang direktor na si Direk Cathy Garcia-Molina.