‘Kilos-protesta’ ng mga beking pinagbawalan mag-volleyball, patok online

471
Courtesy Christopher Raquel

Kinagigiliwan online ang paraan ng “kilos-protesta” ng ilang mga beki sa Sta. Ana, Manila matapos hindi payagan maglaro ng volleyball sa court.

Imbis na gumamit ng placard, megaphone, at effigy, idinaan ng mga pinagbawalang beshies ang pangangalampag sa – sayawan.

Sa kuhang video ni SK Chairman Christopher Raquel, todo-hataw sa pag-indak ang magkakaibigang bading habang pinapatugtog ang patok na awiting “Tala” ni Sarah Geronimo.

INNITY ADS

Maririnig ang hiyawan ng ilang mga residente na animo’y nagbigay ng suporta sa isinigawang “rally”.

Ayon sa uploader, tutol raw ang isang nagngangalang “Aling Nelia” sa nasabing liga dahil walang kaukulang permit at sobrang ingay pa. Ang bahay niya kasi, katapat lamang ng court.




Sa isa pang viral video, makikitang nakikipagusap siya sa mga pulis at kinukuhanan din ang mga beking “nagrarally”.

“Ang pagtutuos ni aling Nellia at ng mga Bakla with Dance Tala Tala! Aling nelia sana May puso po kayo sa Para sa Sports,” bahagi ng post ni Raquel.

Sa huli, naabot nila ang mga tala dahil pinayagan din sila maglaro sa court.

Umabot ng halos two million views at libu-libong reaksyon mula sa netizens ang umano’y bakbakan nila Aling Nelia at “Bessy Squad”.