Karen Davila sa posibleng retrenchment ng ABS-CBN: ‘Praying for a miracle’

991

“My heart bleeds. Praying for all our employees. Praying for a miracle.”

Ito ang tweet ng mamahayag na si Karen Davila matapos ihayag ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak na posibleng magpatupad ng retrenchment ang kompanya kapag hindi pa makabalik sa ere sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Katigbak, umabot na raw sa P35 milyon araw-araw ang pagkalugi ng himpilan mula nang huminto ang broadcast operation nila noong Mayo 5.

“We continue to lose a substantial amount of money every month and I’m afraid that if we cannot get back on air soon, by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process,” saad ng opisyal ng ABS-CBN.

Kasunod ng mensahe, ipinost ni Davila ang video ng isinagawang pagdinig ng Senado nitong Martes, Mayo 19.




Bukod dito, inilabas din ng batikang journalist ang kaniyang saloobin sa Instagram account.

Tanging panalangin niya, hindi raw sana dumating sa pagkakataong kailangan magtanggal ng mga empleyado ang home network bunsod ng shutdown.

Noong Mayo 5, naglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa istasyon

“Sa lahat ng mga kasama kong empleyado, talents & artists ng ABSCBN, let us not lose hope. Keep the FAITH. Stay STRONG. Isang mahigpit na yakap at dasal para sa ating lahat,” pagpapatuloy ng personalidad.

Muling tatalakayin ng Kongreso ang panukalang pagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN sa darating na Mayo 26.

(PHOTO COURTESY OF ABS-CBN WEBSITE)