Inakalang sakit lamang sa bato: Ginang, nanganak ng triplets

780
via Dannette Glitz

Hindi inaasahan ng isang ginang na magkakaanak pala siya ng triplets matapos indahin ang inakalang sakit lamang sa bato.

Kinilala ang bagong ina na si Dannette Giltz ng South Dakota, na nanganak ng triplets nitong Agosto 10.

Hindi alam ni Dannette na siya pala ay nagdadalang tao na sa loob ng halos walong buwan.

INNITY ADS

Ang alam niya lamang ay sakit ito sa bato na naitala namang nagkaroon na siya nito noon.

Habang nanganganak, sinabi ni Dannette na hindi inaasahan ng kaniyang asawa na si Austin na triplets pala ang pinagbuntis nito.




Ayon kay Dannette, sa pagkakakalam nila ay twins lamang ang kaniyang ipapanganak.

“His reaction is like, ‘Excuse me, put it back, no, I was told I have twins, I’m not doing triplets,” ani Dannette.

Ibinahagi naman ni Dannette na hiniling ng kaniyang anak na si Ronnie, 10 anyos, na gusto nito ng kapatid na lalaki.

Sinabi rin ni Dannette na humihiling naman siya ng isang babaeng anak.

Inilabas lamang ang tatlong sanggol sa loob ng apat na minuto sa pamamagitan ng caesarean section. Pinangalanan silang Blaze, Gipsy at Nikki.