#FightnCoV: Mga Chinese sa Pinas, namahagi ng libreng alcohol, face mask

352

Sa gitna ng lumalalang problema ng pagkalat ng novel coronavirus (2019-nCoV), patuloy na nananaig ang malasakit at damayan upang malabanan ang kinatatakutang sakit.

Kagaya ng mga Tsino na namimigay ng samu’t-saring proteksyon na para daw sa mga Pinoy.

Noong Biyernes ng hapon, pumukaw sa atensyon ng netizen na si Precious Ann Patiño ang dalawang Chinese national na namamahagi ng face mask sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati City.

INNITY ADS

“Tanggapin nyo na lang po yung offer nila na mask sa ganyang paraan na lang sila makakabawi sa mga sama ng loob sa kanila at para makatulong na din sila. Keep praying guys. Marami ng nangyayare ngayon para sabayan pa natin ng galit tulungan na lang,” bahagi ng Facebook post ni Patiño.

Sa kaparehong araw, namigay din ng face mask ang ilang Tsino sa mga dumaraang sibilyan sa harapan ng isang Chinese restawran sa Sta. Cruz, Manila.




Makikita sa retratong ibinahagi ng HK88 Music and Restaurant ang tone-toneladang face mask at may nakapaskil sa mesa na “Free Surgical Mask! For Filipinos Only!”

Samantala, bukod sa surgical mask, may handog din na alcohol ang mga banyagang namimigay sa tapat ng Pasay City Hall. Mahigit 100 katao raw ang nakatanggap ng kanilang munting regalo.

Ayon sa uploader, nais nilang makatulong sa mga Pilipino kahit sa simpleng paraan lamang. Aniya, magpapatuloy ang pag-iikot ng grupo upang matugunan pa ang ibang nangangailangan.

(IMAGES COURTESY: HK88 MUSIC AND RESTAURANT)