‘Epekto’ ng home quarantine sa isang lola, kinagiliwan online

582

Bulag man ang isang mata, todo-bigay sa pag-indak ang isang 72-taong-gulang babae sa Occidental Mindoro habang naka-quarantine.

Sa kuhang video ni Gem Abencentipo, animo’y teenager pa rin si Lola Helen Abecentipo dahil sa lambot ng katawan nito.

Kuwento ng uploader, bahagi ng daily routine ng kaniyang nanay ang pagsasayaw tuwing umaga. Bata pa lamang raw ito ay mahilig na siyang humataw sa dance floor.

INNITY ADS

Hindi raw nagmimintis ang matanda sa pag-e-ehersisyo lalo na at kumakalat ngayon ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kaya naman payo ni Gem sa ibang senior citizen, patuloy na mag-exercise para garantisadong lalakas ang pangangatawan nila.




Nitong Lunes, ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at sinabihan ang publiko na manatili sa kani-kanilang tahanan bunsod ng lumolobong kaso ng COVID-19.

(VIDEO COURTESY OF GEM ABENCETIPO)