Enchong Dee, naghatid sa OVP ng PPE sets para sa frontliners

672
Instagram/@mr_enchongdee

Nag-donate si Enchong Dee ng personal protective equipment (PPE) ng COVID-19 frontliners at pagkain para sa volunteers sa Office of the Vice President (OVP).

Sa Facebook, sinabi ni Vice President Leni Robredo na personal na dinala ng Kapamilya actor ang mga donasyon nitong Martes, Abril 21.

“Nakatanggap ang ating Tanggapan ngayong araw ng 500 PPE sets mula sa aktor na si Enchong Dee at kaniyang mga kaibigan,” saad ng opisyal sa post.

INNITY ADS

Simula pa lang ay naging aktibo na ang OVP sa pagsuporta sa health workers ng bansa kontra pandemic.

Matatandaang pinangunahan ni Robredo ang fundraiser para sa PPE sets, nag-alok ng shuttle service at libreng dormitoryo para sa health employees.




Nag-donate din ang OVP ng P5.3 milyong halaga ng extraction kits sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at kasalukuyang tumatanggap pa rin ng mga donasyon para sa frontliners.