‘Dinosaur’, naghatid ng good vibes at tulong sa mga nangangailangan

307

Hindi lahat ng dinosaur, takot o pangamba ang hatid sa publiko. Puwede rin itong magbigay-aliw at tulong sa mga nangangailangan ngayong nahaharap ang Pilipinas sa krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ulat ng Veritas 846.ph, nagsuot ng dinosaur costume si Rev. Father Gilbert “Gido” Dumlao ng Parish of Sto. Nino, Diocese of Cubao habang naghahanda ng mga relief goods na ipamimigay sa kanilang parokyano.

Ang dinosaur na may puso, pinangalanang si “Gidosaur”.

INNITY ADS

“Si Gidosaur ay nakikiisa sa pagtuwang sa ating mga nangangailangan. Salamat po sa mga mababait na nagbigay. Nanlilimos po kami sa inyo ng mga bigas at delata,” sabi ni Fr. Dumlao sa kaniyang Facebook post.

Umani naman ng positibong reaksyon mula sa mga netizen ang nakatutuwang istilo ng kura paroko.




“God bless and have fun while helping Father! Kudos to you in these trying times, nakakatuwa po kayo.”

“Even our church leaders did their best just to show their compassion, willingness to help.
Thank God for having you.”

“Thank you lord for giving us FATHER GILBERT DUMLAO AS OUR PARISH PRIEST”

“Wow. To everyone veritas and parishes very creative. Godbless you more and always AMEN.”