‘COVID dance challenge’: DOH, idinaan sa TikTok ang paalala kontra-coronavirus

423
IMAGES: Screengrab/Department of Health (Philippines) Facebook

Sumabay sa TikTok fever ang Department of Health (DOH) bilang bahagi ng kampanya laban sa pagkalat ng novel coronavirus o 2019-nCoV.

Sa Facebook account ng DOH nitong Huwebes, ibinahagi ang video ng tatlo nilang tauhan ng sinasayaw ang tips kung paano maiiwasan ang COVID-19.

“DOH IS OFFICIALLY ON TIKTOK! Learn protective measures against COVID-19 in this TikTok video!” anila sa post.

INNITY ADS

Pinayuhan ng departamento ang viewers na maghugas ng kamay, dumistansya nang isang metro at iwasang hawakan ang mukha, at takpan ang bibig umuubo.

Bumenta naman agad sa Facebook ang 10-second video na mayroon na ngayong higit 220K views at 7K shares.




Inanyayahan din ng DOH ang publiko na i-foilow ang kanilang TikTok account at makisabay na sa “#covidance challenge”.

Sa ngayon, Marso 3, mayroon ng limang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 669 patients under investigation.