Catriona Gray, bagong boses sa Waze navigation app

193

Siguradong mapapangiti ang mga motorista sa bagong boses na maririnig sa Waze.

Nitong Lunes, inilunsad ng kilalang traffic navigation app ang option na kung saan maaring mapakinggan ng mga biyahero ang tinig ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Para maging posible, kailangan pindutin mga Waze users ang settings, piliin ang “Voice Directions” at hanapin ang “Catriona Gray” sa options na lalabas.

INNITY ADS
Image from Waze app

Matatandaang may nabuong business partnership sa pagitan ng Waze at BDO, bangkong ineendorso ng beauty queen.

Gumawa din ng kasaysayan si Gray bilang kauna-unahang Pinoy celebrity na boses ng Waze.




“Being the newest voice on Waze enables me to share positivity to Filipinos who are on the road—going to school, work or wherever they need to be. I want to keep them inspired and help them find their way so that we can all be happy and remain optimistic, despite many challenges such as the traffic,” mensahe ng reigning Miss Universe.

Ibinahagi din ng beauty titlist ang magandang balita sa kaniyang Instagram account.

Bukod sa mga direksyon, ipapaalala din ni Gray safety tips alinsunod sa mga napasikat nitong slogans katulad ng “In my experience, U-turns are best made slowly” at “Time to park the car and do the lava walk”.

Ang waze ay isang GPS navigation software application para sa mga mobile users na nagbibigay ng alternatibong ruta upang maiwasan ng mga drayber ang matinding trapiko. Ito ay pagmamay-ari ng sikat na search engine na Google.