‘Be grateful of what you received’: Kuwento ng 3 lalaking nagwi-withdraw ng bonus, pinusuan online

285
Courtesy Vinia Buena

Maliit man o malaki ang biyaya, ang mahalaga ay naalala kayong bigyan ng inyong mga kapamilya, kaibigan, o amo sa trabaho.

Pinusuan online ang istoryang ibinahagi ng isang netizen tungkol sa mga manggagawang nagwi-withdraw ng kani-kanilang bonus nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Vinia Buena, imbis na mabwisit dahil halos 30 minutong nakapila sa isang ATM outlet, natuwa siya sa pag-uusap ng tatlong lalaking nasa harapan niya.

INNITY ADS

Aniya, kahit maliit ang nakuhang bonus ng mga trabahante, labis ang tuwa at pasasalamat nila sa pinagsisilbihang amo.

Narito ang mga sinabi ng empleyado, batay sa post ng uploader:




“Tagal ko hinintay to pare, may pambili na bagong sapatos anak ko.”

“Uy nakakuha ako 2,000 dami namin mabibiling handa neto.”

“Bait ni boss binigyan tayo bonus.”

“Text ko pa nga misis ko gusto nun spaghetti sa pasko eh.”

Kung tutuusin daw, sa panahon ngayon ay mababa na ang halagang P2,000 bilang bonus. Kaya naman masaya ang uploader na makakita ng mga taong marunong makuntento sa perang ipinagkaloob sa kanila.

“Hindi sila nagreklamo, instead, inappreciate nila and inisip pa din na these are blessings. Unlike others, pag binigyan mo ng pandesal, gusto pa burger. Be grateful of what you have received,” post ng netizen sa Facebook.

Umani ng mahigit 450,000 likes, 157,000 shares, at libu-libong nakagagalak na reaksyon sa social media ang kuwento ng mga ulirang manggagawa.