Bayaning Pinoy surfer, wagi ng ginto sa SEA Games

227
FACEBOOK/Jefferson Ganuelas

Matapos mapanalunan ang puso ng maraming netizens, sumungkit naman ng gintong medalya ang Filipino surfer na si Roger Casugay sa 2019 Southeast Asian Games.

Sa puntos na 14.50, naungusan ni Casugay ang kapwa Pinoy na si Rogelio Esquivel na nakakuha ng markang 14.20 sa longboard open event kahapon, Disyembre 8 sa Monaliza Point sa San Juan, La Union.

Bago ito, tinalo rin ng 25-anyos kampeon sa semifinals ang katunggaling si Arip Nurhidayat ng Indonesia na matatandaang iniligtas niya sa kalagitnaan ng kompetisyon noong Biyernes.

INNITY ADS

Nag-viral si Casugay makaraang sagipin si Arip na tinangay ng alon matapos masiraan ng tali sa surfboard.