Batang nangangarap kumain sa Jollibee, tinupad ng mga pulis-Badoc

444
Courtesy I Love PNP

Naging si Santa Claus ang ilang pulis-Badoc matapos tuparin ang pangarap ng isang batang gustong kumain sa Jollibee.

Batay sa Facebook post ng I Love PNP, sa liblib na lugar naninirahan ang pamilya ni Romelyn Siena at walang sapat na pera para makapunta sa kilalang fastfood chain.

Ayon kay Romelyn, kinakabahan at natatakot siya tuwing makakakita ng pulis o sundalo.

๐Ÿ’๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ‘ฎโ€โ™€๏ธHigit sa Tawag ng Tungkulin๐Ÿ‘ฎโ€โ™€๏ธ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ’ Isang bata na nakatira sa liblib na lugar ng Ilocos Sur na…

Posted by I Love PNP on Thursday, November 21, 2019

Kaya ang magigiting na pulis, dumiskarte para maibsan ang pangamba at mapasaya ang paslit.

Sa mga kuhang litrato, makikitang akay-akay si Romelyn ng mga pulis habang tinatahak ang maputik, matarik, at mahabang lakaran upang makarating sa bayan.

Bukod sa libreng pagkain, ipinasyal din siya ng mga kawani at binigyan ng bagong sapatos, rain coat, bag, at damit.

May pabaon din silang pasalubong para sa mga kaanak ng paslit.

Dahil sa kabayanihan at kabaitang ipinamalas, bumuhos ng papuri at pagbati sa comment section ng naturang page mula sa netizens.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 600,000 shares at likes ang kuwento ng mga pulis.