Bagong police chief sa Cebu, agaw-pansin sa social media

22439
In photos: Argao police chief Police Captain Elstone Dabon Jr.

Nabighani ang maraming netizens sa bagong talaga na hepe ng pulisya sa isang bayan sa Cebu.

Opisyal nang itinalaga nitong Biyernes si Police Captain Elstone Dabon Jr. bilang kapalit ni dating Argao police chief Major Ildefonso Miranda Jr.

Nito lamang Huwebes nang sibakin at arestuhin si Miranda matapos umanong patulugin sa kanyang opisina ang dalawang babaeng preso.

INNITY ADS

 

Ayon sa Bohol Island News, si Dabon ay dating deputy station commander sa Abellana Police Station at nadestino na rin sa Regional Intelligence Division in Central Visayas (RID-7).

Kasunod ng anunsyo, nag-viral ang mga litrato ng 25-anyos na pulis dahil sa mga netizens na nakapansin sa kanyang ka-gwapuhan.




Kanya-kanyang biro naman ang mga netizens na gusto nilang magpadakip sa pulis.

Binansagan pa ng iba ang hepe na bagong “tourist spot” sa Argao, Cebu.

Mayroon din namang mga nagpaalala kay Dabon na huwag sanang pamarisan ang ginawa ng pinalitang opisyal.