Bagong kasal, dumalo sa kanilang wedding reception via video call dahil sa coronavirus

1190
File photo

Bumukod sa sarili nilang kasalan ang mag-nobyo sa Singapore na nanggaling sa bakasyon sa China, upang bawasan ang takot ng mga bisita sa novel coronavirus.

Nagdesisyon ang mag-asawang si Joseph Yew at Kang Ting na humarap sa kanilang wedding reception sa pamamagitan ng livestream noong Pebrero 2, ayon sa Shin Min Daily News via Asia One.

Ayon sa ulat, nagdiwang ng Chinese New Year ang dalawa kasama ang pamilya ng bride sa Hunan, katabing probinsya ng Hubei kung saan matatagpuan ang Wuhan na pinanggalingan ng outbreak.

INNITY ADS

Bumalik umano sila sa Singapore ilang araw bago ang kasalan at boluntaryong inihiwalay ang mga sarili.

Nagpasya silang ituloy ang kasal matapos na hindi umano pumayag ang M hotel na ipagpaliban muna ito.




Habang nagsasaya ang mga bisita sa banquet hall, naka-livestream ang mag-asawa mula sa hiwalay na kuwarto sa parehong hotel na nilinis matapos.

Sa screen nakipag-kuwentuhan, nagbigay ng talumpati at nagbukas ng champagne ang dalawa na nakabihis pa ng pang-kasal.

Tanging kapatid lamang ni Yew ang pisikal na nakadalo sa reception dahil nakabukod din ang mga magulang ng groom na nakatira sa iisang bahay kasama ang mag-asawa.

Wala rin ang mga magulang ni Ting dahil sa hindi pagpapapasok ng Singapore sa mga bisita galing mainland China nitong nakaraang dalawang linggo.

Sa kabila ng ideya ng bagong kasal, marami pa ring bisita ang hindi dumalo sa kasalan, dahilan para 11 na lamesa lamang ang mapuno imbis na 19.

Gayunpaman, inilarawan ng groom ang kaganapan na isang “masayang okasyon”.

Kamakailan lang ay pinangalanan ng World Health Organization ang novel coronavirus bilang COVID-19 na tumama na sa halos 42,000 katao, at pumatay sa higit 1,000 sa buong mundo.