Asong naka-helmet habang sakay ng motorsiklo, hinangaan online

4005
Courtesy Xilda Lofranco

Hindi lamang mga tao ang marunong sumunod sa batas, pati na rin mga hayop.

Pinatunayan ito ng isang amo sa Tagbilaran City, Bohol na sinuotan ng helmet ang alagang aso, alinsunod sa mahigpit na implementasyon ng “no helmet policy” sa naturang probinsiya.

Sa kuhang litrato ni Xilda Lofranco, makikitang parehong may proteksyon sa ulo ang dalawa habang nakasakay sa motorsiklo.

INNITY ADS

“To the owner of this doggo, I’m sorry for posting your face for the world to see but this is just too cute not to post. 😍😭 Drive safe everyone, always wear a helmet!,” post ng uploader sa kaniyang Facebook account.

Batay sa ordinansa, puwedeng kumpiskashin ang lisensya ng sinumang lalabag at pagmumultahin mula sa P1,500 hanggang P10,000.




Sa comment section ng dalaga, tila nagkasundo ang mga netizen at sinabing dapat tularan ang mag-amo at huwag maging pasaway sa kalsada para siguradong ligtas.

Pinusuan din ng karamihan ang nakatutuwang post dahilan para umabot ito ng mahigit 30,000 shares at 20,000 likes sa social media.