
Nakaisip ng pakinabang ang lokal na pamahalaan ng Biñan, Laguna sa mga naipong abo mula sa pagsabog ng Bulkang Taal nitong Enero 12.
Sa Facebook post ni Biñan City Mayor Arman Dimaguila, ipinakita ng opisyal ang mga nagawang ladriyo o bricks ng Materials Recovery Facility (MRF) mula sa nagkalat na abo.
Sa paglilinis ng volcanic ash, iminumungkahi ang pagwawalis nito kaysa paggamit ng tubig.
INNITY ADS
Maaari kasing bumara sa mga tubo at daanan ang abo kapag nabasa ito at maging putik.
Bibigat din ang binasang abo na posibleng maging sanhi ng pagbigay ng mga bubong.
Kaya saad din ni mayor Dimaguila sa post, “kailangan nating isako ang mga ito at hindi makabara sa ating mga kanal.”