Anne Curtis, inaming ready na magkaanak ngayong taon

173

Ibinahagi ni Anne Curtis na handa na sila magkaanak ng kaniyang asawa na si Erwan Heussaff ngayon o susunod na taon.

Sa kaniyang panayam sa Magandang Buhay, ipinahayag niya ang kagalakan nang malaman na nagdadalang-tao si Solenn Heussaff, kapatid ni Erwan.

“I’m very excited for Nico [Bolzico] and Solenn, of course Erwan is very excited also. Nakakatuwa. Bagong blessing,” aniya.

INNITY ADS

Ayon kay Anne, kahit na gusto na niyang magkaanak ay hindi naman siya nagmamadali dahil naniniwalang mangyayari ito sa tamang panahon.

“I think in God’s time it will happen di ba? Ayokong magbigay ng pressure sa sarili ko or kay Erwan kung kailan mangyayari ‘yun,” ani ng aktres.




“Who knows baka next year na ‘yan diba? It could be this year, next year, we don’t know,” dagdag niya.

Aniya, nasa edad na rin siya para magkaroon ng sariling anak.

“But let’s just say I think I’m at that age naman na talaga na anytime that it happens ready na akong maging momshie,” pahayag ni Anne.

Matatandaan na hinala ng mga netizen ay buntis ang aktres dahil sa pagkain nito ng hilaw na mangga habang nasa kalagitnaan ng ere ng programang “It’s Showtime.”

Ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff sa Queenstown, New Zealand noong Nobyembre 12, 2017.