Annabelle Rama kay Gretchen Barretto: ‘Sana manahimik ka na ‘day’

2478
(Photo: Instagram account of Gretchen Barretto and Annabelle Rama)

Nagbigay ng payo si Annabelle Rama sa aktres na si Gretchen Barretto matapos nitong ungkatin ang dating iskandalo kung saan sangkot ang anak niyang si Ruffa Gutierrez.

Sa panayam kay Annabelle, matapang nitong sinagot ang isyu ng “best actress award” ng anak sa isang film festival noong 1994 na inulan ng kontobersiya.

“Hindi tama iyon, sana manahimik ka na ‘day,” aniya.

INNITY ADS

Giit ni Annabelle, mamuhay na lamang raw si Gretchen ng payapa at tahimik, at i-enjoy na lang raw niya ang kanyang yaman.

“Total mayaman ka na, i-enjoy mo kayamanan mo, i-enjoy mo na iyang pera mo. Huwag na tayo magaway-away pa. Peace, of course, importante ang peace,” saad nito.




Sa huli ay nilinaw naman ni Annabelle na ayaw na umano niyang palakihin ang isyu.

Maalalang kamakailan ay nagsimula ang awayan ng dalawa ng madawit ang pangalan ni Ruffa Guttierrez sa isyung kinasasangkutan ng magkakapatid na Barretto.

Agad itong nasundan nang pagbibigay warning ni Annebelle kay Gretchen dahil wala umanong mali sa naging komento ng anak sa pamangkin nitong si Julia Barretto.