Andi Eigenmann, balik island life para sa nararanasang postpartum depression

3520
Instagram/ Andi Eigenmann

Ibinahagi ni Andi Eigenmann na bumalik muna siya ng Siargao para sa kaniyang pinagdadaanan na postpartum depression– mood disorder na karaniwang nararanasan ng mga nanay matapos manganak.

Ayon kay Andi, hindi niya itinago sa publiko kung paano niya hinaharap ang depresyon kaya’t nagdesisyon siyang iwan muna ang buhay sa siyudad.

“I openly spoke about struggling with postpartum depression since giving birth, and now we are headed back go Siargao after 2 months of being in the city with gloomy weather,” pahayag ng aktres sa kaniyang Instagram.

INNITY ADS

View this post on Instagram

Me, 16 weeks pregnant and feelin’ m’self.haha . I openly spoke about struggling with post partum depression since giving birth, and now we are headed back go Siargao after 2 months of being in the city with gloomy weather. I’ve been listening to your suggestions and following some advice, but I feel going back to our island home is what’s going to be most impactful. “Sunny days are coming!”, is what I have been telling myself whenever I feel ‘confused’ about where I’m at in life. Im still sure of it. And I dont just mean actual sunlight, but brighter days in general. I do miss my old self. Myself, before having 2 kids. But not enough to regret the life I have now. I love where I’m at, even if it hasn’t been easy. That’s what keeps me going. Regardless of how long this PPD lasts or how it goes away, having @chepoxz and my 2 girls by my side keeps me from giving up on my dreams. And this is why I’m sure that sunny days are coming.

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Dagdag ni Andi, hinahanap-hanap niya ang dating sarili bago pa man magkaroon ng dalawang anak. Ngunit sinabi niya ring hindi niya ito pinagsisihan.




“I do miss my old self. Myself, before having 2 kid but not enough to regret the life I have now. I love where I’m at, even if it hasn’t been easy. That’s what keeps me going,” aniya.

Matatandaan na ibinahagi rin ng aktres noon na hindi siya nakakatulog sa gabi dahil sa depresyong nararanasan.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Andi na lilipas din ito at nanatiling lakas ang kaniyang dalawang anak.

“My 2 girls by my side keeps me from giving up on my dreams. And this is why I’m sure that sunny days are coming,” pahayag niya.

Bumaha ng suporta mula sa kaniyang mga taga-hanga at kapwa artista ang nasabing post.

“You can do it ands! You’ve always been a strong girl with a positive disposition!❤️ You have all that you need! You are so blessed,” ani Mikaela Martinez.

Nagbahagi rin ang ilang nanay ng kanilang kwento na parehong naranasan ang depresyon.

Nanganak si Andi ng ikalawang baby girl nitong Hulyo.