Anak ni Lucy Torres, Richard Gomez na si Juliana, piniling mag-aral sa UP

734
via Star Magic Ball

Ibinahagi nila Richard Gomez at Lucy Torres ang kagalakan nang piliin ng kanilang anak na si Juliana ang mag-aral sa University of the Philippines (UP) kaysa sa ibang bansa.

“I’m happy that she’s in UP because that’s where I went, that’s where [Richard] wet also,” ani Lucy.

“I’d like her to experience that environment. I had a really nice time in UP. Maybe it’s different kasi UP Cebu ako. UP Diliman is a much bigger campus,” dagdag niya.

INNITY ADS

Ayon kina Richard at Lucy, karamihan sa mga kaibigan ni Juliana ay sa ibang bansa mag-aaral ngunit pinili ng kanilang unica hija ang UP.

Pinahayag din ni Lucy na ayaw niyang magkakahiwalay silang tatlo dahil maliit lang ang kanilang pamilya.




“I tell her na maybe if there were five of them, then I’d be more open to sending some of them abroad,” aniya.

Sinabi rin ni Lucy na hindi nila pinpasali si Juliana sa mga sorority na organisasyon. Mag-varsity na lamang si Juliana dahil simula high school ay nasa volleyball team.

Aniya, gusto ni Juliana maging abogado at sinabing susuportahan ang anak sa kahit anong pangarap sa buhay.

“I never want her to grow up thinking that she has to be an actor or she has to be a public servant. It has to be her journey, her life,” pahayag ni Lucy.

Si Juliana Gomez ay nakpagtapos ng high school sa Everest Academy Manila. Kasalukuyang kumukuha ng Public Administrasyon sa UP Diliman.