ALAMIN: Mga tulong ibinibigay ng OWWA sa mga repatriated OFW

611
Image from OWWA-ARMM

Patuloy pa rin ang pag-aalok ng tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga distressed OFW na umuuwi sa Pilipinas.

Sa ilalim ng proyekto “Balik Pinas, Balik-Hanapbuhay”, magbibigay sila ng P20,000 non-cash livelihood assistance para sa mga nabiktima ng illegal recruitment, giyera, pananakit at pang-aabuso ng employer.

Itinatampok ng nasabing tulong pangkabuhayan ang mga sumusunod:

INNITY ADS
  • Techno- skills and/or entrepreneurial training
  • starter kits/goods
  • Services that help the beneficiaries to quick start a livelihood projects through self-employment

Aktibong miyembro man o hindi ng OWWA, puwede maging benepisyaryo sa nasabing programa.

Paalala ng ahensiya, makukuha lamang ang ayuda, isang beses sa loob ng isang taon, mula nang makauwi sa bansa.




Batay sa kanilang datos, tumaas ang bilang ng mga Pinoy workers na nakinabang sa programa simula noong 2015 hanggang 2018.

Bukod sa “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” program, nag-aalok rin sila ng pautang sa mga dumarating na OFW na gustong magtayo ng negosyo.

Para sa iba pang katanungan o detalye, makipag-ugnayan lamang sa OWWA OP Center:

  • 0917-898-6992
  • 8917601-24 local 5516/5517
  • (632) 804-06-38
  • owwa_opcenter247@yahoo.com

Maari din bisitahin ang official website at social media accounts ng ahensiya.