6-anyos, nakaipon ng P16k sa loob ng isang taon

9023
Courtesy Joan Estrada

Kahit anim na taong gulang pa lamang, kumasa si Juris sa ‘ipon challenge’ para mapaghandaan ang kaarawan ngayong taon.

Kada araw, hinuhulog niya ang perang binibigay ng magulang hanggang sa mapuno ang piggy bank.

Nang buksan ang alkansiya, laking gulat ng bata dahil umabot sa P16,756 ang naipong salapi sa loob lamang ng isang taon.

Ibinahagi ng inang si Joan Estrada ang nakamamanghang insidente sa social media noong Nobyembre 7.

From Facebook/Joan Estrada

“Ipon challenge accepted. Bukasan na!” saad ni Estrada na may hashtag na #1yearuptoherbirthday at #proudofyouate.

Ayon sa nanay ni Juris, gusto lamang bumili ng musmos ng bagong tsinelas dahil nasira na ang ginagamit nito.

Pinost din ng madre de pamilya ang retrato ng birthday celebration ng paslit sa pinapasukang eskuwelahan.

Courtesy Joan Estrada

 

Umaasa si Joan na magsisilbing inspirasyon at “goals” ang matiyagang pag-iipon at pagtitipid ng anak. Ika nga sa kasabihan, kung may itinanim, tiyak may aanihin.