VIRAL: Pari sa US, gumamit ng ‘water gun’ bilang pangwisik ng holy water sa mga dumalo sa misa

767
(Jeff Barnaby Twitter)

MICHIGAN, US – Bilang pagsunod sa social distancing protocol sa Detroit, Michigan sa gitna ng COVID-19 pandemic, isang pari ang naisipang gumamit ng “water gun” para makapagwisik ng holy water sa mga dumalo sa misa.

(Larry A. Peplin image)

Agad nagviral sa social media si Father Tim Pelc, 70, ng St. Ambrose Parish dahil sa kakaibang ideya nito para mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng paggunita ng Holy Week sa lugar.

Ayon sa Buzzfeed News, plano lang daw noon ni Pelc na iparanas sa mga bata ang Easter Sunday sa kabila ng ipinatutupad na social distancing dahil sa pandemic.

INNITY ADS

“The original idea was to do something for the kids of the parish,” sabi niya.

“They were about ready to have an Easter unlike any of their past, so I thought, what can we still do that would observe all the protocols of social distancing?,” dagdag ng pari.




Nang makahingi ng payo mula sa kaibigan na isang doktor, dito na raw nabuo ang kanyang plano na mapanatiling ligtas ang lahat ng magsisimba.

Hindi lang daw ito para sa kaligtasan ngunit makapagbibigay-saya rin daw ito lalo na sa mga bata.

“He provided me with all the personal protection stuff that I needed. The sun was out, we had a nice turnout. It was a way of continuing an ancient custom, and people seemed to enjoy it,” kwento niya.

Naibahagi sa Facebook page ng simbahan ang ilang larawan noong nakaraang buwan at naipost din sa Twitter na agad umani ng mahigit 123, 000 retweets kinahapunan.