VIRAL: Mga hugot at kuwelang pag-aanunsyo ng #WalangPasok

189
Image via Reuters

Tuwing lumalakas ang buhos ng ulan, inaantabayan ng mga magulang at mag-aaral ang mga salitang: #WalangPasok.

Pero maliban sa linyang ito, ’tila inaabangan din ng karamihan ang mga paandar at hugot ng iba’t-ibang alkalde sa pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase.

Katulad na lamang ni Cavite Governor Jonvic Remulla na kilala sa mga kuwelang hirit tuwing ipinapahayag ang umano’y magandang balita.

INNITY ADS

Pabirong sabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa mga kapwa-Caviteño nitong Lunes: “Walang forever sa #WalangPasok. Lahat na ng app tinignan ko. Pati kay Sta Clara binilang ko ang mga alay na itlog”.

Sa huling mensahe, pinatutungkulan niya ang paniniwalang pagdadasal sa santo at pag-aalay ng itlog para sa magandang panahon.




Samantala, sinambit ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na habang ipinagdarasal ang mabuting panahon, tila mas ipinapanalangin ng mga estudyante ang pagsuspinde niya ng klase sa susunod na araw.

Iba naman ang istilo ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagpapahayag ng kanselasyon ng pasok sa paaralan: sa pamamagitan ng Facebook Live.

Matatandaang sinita ng alkalde ang pamunuan ng University of the East-Manila campus dahil sa hindi pagsunod ng kaniyang utos.

Sa Facebook live ni Moreno noong araw na ‘yun, iginiit niyang: “Hindi po frogman ang mga estudyante sa kolehiyo.”

Para kay Pasig City Mayor Vico Sotto, kahit hindi sila mag-anunsyo ng walang pasok, maaring mag-desisyon ang mga magulang kung nararapat bang papasukin ang kanilang mga anak lalo na at kaligtasan nila ang nakasalalay.

Patama ng millennial mayor sa mga estudyanteng ‘tinatamad’ pumapasok: “It’s okay to ask for suspensions for safety reasons. Pero kung ‘di pa ako nag-aaral’, babatukan ko kayo.”

May mga lokal na opisyal din na nag-aalangan sa pagsuspinde gaya ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, na nag-tweet ng: “Habagat kahit na gusto kitang intindihin, hindi talaga kita maintindihan! 6 years na…sawang sawa na ako sayo.”