VIRAL: Inakalang chicken joy, panghugas pala ng plato

340
Video from Jboy Teodoro

Sa unang tingin, aakalain mong juicylicious na fried chicken ang nakalagay sa platong ito.

Pero kapag nilanghap at hinawakan mo na, sangkatutak na bula pala ang lalabas.

Kinaaaliwan muli online ang video ng lumang sponge na pinagkamalang pritong manok ng isang netizen.

Kuha ang nakatatawang video noong Abril 20, 2018, batay sa Facebook post ng uploader na si Jboy Teodoro.

Posted by Jboy Teodoro on Friday, April 20, 2018

Paunang hirit ni Teodoro, ng sarap-sarap umano ng chicken joy na kaniyang nakita.

Matapos bumanat ng “natatakam na ba kayo?”, binunyag na niya ang totoong sikreto ng pritong manok.

Ang nahawakang chicken joy, may sabon at bumubula pala! Kumpirmadong panghugas lang ito ng plato.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 2.5 million views ang dating viral video, matapos i-share ng Facebook page na “Social Trends”.