VIRAL: Curfew alarm sa Lapu-Lapu City, kinatatakutan umano ng mga residente

155152
(Screenshot of Eduardo Rambo Leyson Facebook video)

Simula nang magkaroong ng enhanced community quarantine dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sari-saring pakulo ang ginawa ng bawat barangay para masigurong mananatili sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente.

Ngunit kakaiba ang istilo ng isang barangay sa Lapu-Lapu City. Ang kanila kasing curfew alarm na ginamit ay sound effect na kadalasang maririnig sa mga horror movies.

Dahil dito, viral ang video post sa Facebook ng netizen na si Eduardo Rambo Leyson.

INNITY ADS

Aniya, “LALABAS KA PA BA NG BAHAY KUNG ANG SIREN NG CURFEW SA BARANGAY NINYO GANITO…DI KA NGA MAMAMATAY SA COVID-19 PERO MAMAMATAY KA NA MAN SA NERBYOS 🤯😝”

Kung pakikinggan ang alarm, hindi maikakailang nakakikilabot nga ito.




Marami ang agad nagbigay ng samu’t saring reaksyon sa naturang video.

May mga nagsabing kinilabutan daw sila nang marinig nila ang curfew.

Naihambing pa ng ilang netizen ang video sa horror movie na “The Purge”.

Samantala, sa ngayon ay nasa 3.7 million views na ang video at 113K likes at 244K shares online.