TINGNAN: ‘Self-love’ restaurant, bukas para sa mga nag-iisa sa Valentine’s Day

517
(Picture: Antonio_Diaz/Getty Images/iStockphoto)

SOUTHERN LONDON – Ngayong buwan ng Pebrero, isang kakaibang regalo ang hatid ng tastecard para sa mga balak kumain mag-isa sa araw ng mga puso.

Layon nito na makapagbigay inspirasyon sa mga tao para mahalin ang kanilang mga sarili sa kabila ng pag-iisa.

Sa loob ng Two4One restaurant, bawat lamesa ay may nakaharap na salamin kung saan bubungad sa mga customers ang kanilang mga sarili at sa bawat salamin ay may motivational quotes na nakalagay.

INNITY ADS
(Picture: Tastecard)

Ayon sa tastecard, hatid nila ang kakaibang awra para sa mga customers na mayroong mood-boosting playlists ng kanta, sakto para sa mga gustong magsolo habang kumakain.

Ngunit hindi natatapos dito ang pakulo, dahil sa huling putahe na kakainin ng customer, tatanggalin ang salamin at dito ay makikita kung sino ang talagang katapat niyang kumakain.




Dito ay mamimili ito kung hahatiin ba ang kanyang bill at saka kukunin ang ‘two for one’ experience o ang tiyansang magkasama silang kakain.

Tiyak na swak ito para sa mga single ngayong darating na Pebrero 13 at 14 mula 7pm hanggang 9pm kung saan ang ticket ng restawran ay nagkakahalaga ng £20 o P1,117.34.

Kaugnay nito, lahat ng malilikom na halaga ay mapupunta sa tastecard charity na Mary Meal, na nagbibigay ng libreng pakain sa mga bata sa eskwelahan na walang kakayahang bumili.

Samantala, para kay Matt Turner, founder ng tastecard, ang isasagawang event ay may mahalagang mensahe para sa bawat isa.

“People need to remember the importance of loving yourself and despite numerous restaurants that are great for solo dining, no restaurant experience has been designed with a function that offers the two of you, for the price of one,” aniya.