TINGNAN: Pagtatapos ng kambal na sina Jollibee, McDonald kinatuwaan online

2649
(Joliibee and McDonald Pangindian Facebook)

Goodvibes ang hatid sa social media ng pagtatapos ng kambal na sina Jollibee at McDonald matapos ibahagi ng isang netizen ang makuwelang kwento ng dalawa.

Una nang nagbigay ngiti sa mga mambabasa ang kakaibang pangalan ng kambal na talagang kinuha mula sa dalawang bigatin at pinakakilalang fastfood chain sa bansa, ang Jollibee at McDonalds.

Sa Facebook post noong Mayo 27, ikinuwento ni Mark Lester Andrei Cruzet ang istorya ng dalawa sabay bati dahil sa wakas ay graduate na umano ang mga ito.

INNITY ADS
(Screenshot from Mark Lester Andrei Cruzet Facebook post)

Aniya, “CONGRATULATIONS JOLLIBEE AND MCDONALD!!! 🙌👏🎊🎉. Yes, you read it right. Jollibee and McDonald. They are now twins of my School Paper Adviser in elementary school. Obviously, their names are inspired by the two most famous fastfood chains in the country.”

Naikwento raw sa kanya noon ng kanyang SPA na si Ma’am Evelyn na ito raw ang ipinangalan sa kanilang kambal dahil kakaiba ito at para umano laging maaalala ng tao.




“Because your brother is the uniqueness of the name and art of remembering, once you find out is there immediately when they are happy and they easily remember their names,” pagsasalaysay niya tungkol sa sinabi ng ina ng kambal.

Ngunit paglilinaw niya, ipinost niya ito hindi lang para ibahagi ang kakaibang ngalan ng dalawa kundi para ikwento kung gaano umano siya kaswerte bilang parte na ng pamilya nito.

“Sometimes, they keep me in their place especially when I was evicted from us. Helping when there is a problem especially financially. I am grateful because I know besides my own family, I will know another family in another home. I am blessed beyond measure for finding a family away from our home,” kwento ni Cruzet.

Sa huli ay muli niyang binati ang kambal at nabigay payo pa na lumaban para sa kanilang pangarap.

Biro niya naman sa huli, “Congratulations to the proud mommy, Ma ‘ am Evelyn! 👏🎉 Pa-Jollibee. At Mcdo please! 😍😂🤣 Joke, hihi.”

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 700 likes at mahigit 100 shares ang naturang post online.