TINGNAN: Netizens, pinagkatuwaang gayahin ang nude maternity shoot ni Anne Curtis

6913
IMAGE: Twitter/@melcyghourl

Hinangaan ng maraming fans ang maternity photoshoot ng host at aktres na si Anne Curtis na inilabas kasabay ng kanyang kaarawan.

Pero bukod sa paghanga, kinaaliwan ding gayahin ng ilan ang daring pose ng aktres sa #AnneCurtisChallenge.

Isa sa mga unang kumagat sa challenge ang Twitter user na @hannanabanannah na nagsabing mas mukha pa raw siyang buntis kesa kay Curtis.

INNITY ADS

 

Simpleng “Happy Birthday” ang mensahe ng user na @kekeyomisotweet na effort naman sa pagsusuot ng pantyhose na pinalamanan bandang tiyan upang magmukhang may dinadalang bata.

Isang fan naman ang in-edit pa ang original photo at ipinalit ang kanyang version para gayang-gaya rin pati background.




Si @melcyghourl din ang lucky one na napansin at ini-retweet pa ng aktres.

“Hahahahaha!! Love it!” komento ni Curtis.

Inaasahang isisilang ang baby girl ng aktres at asawang vlogger na si Erwan Heussaff sa Disyembre.