TINGNAN: Lalaking ginawang facemask ang balat ng suha, naging katatawanan online

447
(Myra Miraflor Villaver Facebook)

TAGUM CITY, Davao – Simula nang kumalat ang 2019 novel coronavirus (NCoV), mabilis na nagkaubusan ng facemask sa mga parmasya at botika sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Hindi na kasi nag-atubili ang mga tao na makapagtabi ng kanya-kanyang mask para maiwasan ang naturang virus.

Ngunit sa kabila ng takot na ipinakakalat ng NCoV, goodvibes naman ang hatid ng isang lalaking ginawang facemask ang balat ng suha na kinatuwaan sa social media.

INNITY ADS

Nag-viral ang larawan nito na ibinahagi ni Myra Miraflor Villaver na pumatok sa mga netizens.

Sabi ni Myra sa kanyang post, “Orignal face mask with vit.C…”




Agad na umani ng iba’t ibang reaksyon at komento online ang naturang post,

May mga nagbiro pa at nagtanong kung magkano raw ba ang facemask at kung paano makakapag-order.

Mayroon ding nagsabing perfect daw ang ideyang ginawa ng lalaki.

Samantala, mula nang maubos ang suplay ng facemask, nagkalat na sa social media ang iba’t ibang bersyon ng artificial facemask na mistulang naging katatawanan online.

Ngayon ay nasa mahigit 2K na ang nag-like habang 13K netizens naman ang nag-share ng post sa Facebook.

Sa kabila ng lahat, patuloy pa rin ang pagpapaalala ng Department of Health (DOH) na panatilihin ang kalinisan sa katawan at huwag kalilimutang maghugas ng kamay.