TINGNAN: Lalaki sa China, nakaligtas mula sa pagkakahulog sa balon dahil sa ‘matabang tiyan’

1522
(Credit: Luoyang fire service / Real Press)

YINCHUAN,  Luoyang – Mistulang naging “lifesaver” ng isang lalaki mula China ang kanyang matabang tiyan matapos itong makaligtas mula sa pagkakahulog sa balon noong nakaraang Biyernes.

Sa report ng Luoyang fire service, nahulog ang 28-anyos na kinilalang si Liu sa balon ng kanilang pamilya matapos masira ang nakatakip ditong kahoy nang kanyang talunan.

Sa video clip na ibinahagi sa social media kuha mismo ng naturang fire service, mapapanood si Liu habang kalmadong hinihintay na makuha siya ng rescuers mula sa pagkakaipit sa nasabing balon.

(Credit: Luoyang fire service / Real Press)

Limang bumbero rin ang makikitang tulong-tulong sa pagtali ng lubid sa palibot ng kanyang baywang para tuluyan siyang maiangat paitaas– na walang anumang pinsala.

Tinataya namang nasa 500 pounds ang lalaki.




Naiulat din ng responders na nakaligtas si Liu dahil sa kanyang pagiging mataba.

Samantala, ayon sa magulang nito, mayroong mental illness ang anak na anila’y tumalon sa balon na noo’y may nakatakip na kahoy.