TINGNAN: Kakaibang prenup shoot ng magkasintahan, kinagiliwan ng netizens

508
(Photo courtesy: Jacky Tecson Acebes Facebook)

Pinusuan ng mga netizens ang kakaiba na may nakakatawang twist na wedding prenup shoot ng magkasintahan mula Cebu City.

Sa ibinahaging larawan nitong Nov.17 ng wedding planner na si Jacky Tecon Acebes, 33, makikita ang tila pagpapalit-kasarian ng mag-asawang Romel at Khirly Taghoy kasama ang kanilang bridesmaids at groomsmen.

Mapapansin ang groom kasama ng mga kalalakihan habang nakasuot ng pulang wardrobe at nagpakuha na parang mga babae.

INNITY ADS

Sa kabilang banda naman ay nakasuot panlalaki ang bride kasama ang mga kababaihan na nag-pose pa na parang mga tunay na lalaki.

“The bride is also one of my wedding coordinators, and I wanted to really give their wedding a twist through the photos they would remember forever,” ani Acebedes.




Agad na nag-trending online ang naturang post na agad umani ng samu’t saring reaksyon.

May isang nagsabi, “Nice concept mam!”

Mayroon namang nagsabing labis daw silang natuwa sa mga retrato.

Samantala, umabot na sa 16K likes at 14K shares online ang naturang post.