TINGNAN: Jodi Sta. Maria, pansamantalang naging ‘barbero’ ng kanyang driver

1052
(Jodi Sta. Maria Instagram)

Dahil sa patuloy na umiiral na quarantine, nagsilbi munang barbero sa kanilang bahay ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ng nito ang isang larawan kasama ang kanyang driver habang ginugupitan niya ito ng buhok.

INNITY ADS

Saad niya sa post, “As part of our #newnormal, ako ang naatasang maging hairdresser sa bahay.”

Dagdag niya, “My first victim…our ever loyal driver, Joey. Mukhang happy naman siya 😉.”




Dahil dito ay marami ang natuwa dahil sa nailabas na talento ng aktres habang mayroon ding mga nagbiro sa comment section.

Sabi ng isa, mukhang hindi raw makapalag sa aktres ang driver na si Joey.

Biro naman ng isa pa, “Wala syang choice haha 😂.”

Mayroon ding mga nagbiro na parang naluluha pa raw sa larawan si Kuya Joey.

May netizen naman na humiling sa aktres ng libreng gupit na nagsabi pang handa silang maging susunod na biktima nito.

Isang commenter naman ang nagbahagi na maging siya raw ay naatasan na ring manggupit sa kanyang nakatatandang kapatid.

Kwento nito, “I also did this to my older brother since walang bukas na barbershop and happy naman siya sa result. Dahil sa quarantine, lumalabas ang talent ko.”

Simula nang ipatupad ang malawakang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, maging ang mga salon at barber shop ay ipinasara.