TINGNAN: Jeep na may upuang parang sofa, amoy fabcon umano sa loob, viral online

1425
(Photo: RE Gi Ne Facebook)

Trending ngayon online ang kakaibang jeepney na parang sofa ang upuan at di-umano’y amoy downy pa sa loob.

Sa larawang ibinahagi ng facebook user na si RE Gi Ne, makikita ang loob ng sasakyan na tila nababalot ng floral ang mga upuan maging ang gilid ng jeep pati na rin ang basurahan sa loob nito.

Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong jip..Ang linis linis prang nsa bahay ka lang … at amoy downy pa🥰🥰🥰Mario L. Nada (TVR 207) Owner/jeepney driver

Posted by RE Gi Ne on Thursday, November 28, 2019

Sabi niya sa kanyang caption, “Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong jip.. Ang linis linis prang nsa bahay ka lang … at amoy downy pa🥰🥰🥰”

Agad na pumatok online ang naturang post na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.

May isang nagsabi, “Sana lahat ng transpo natin ganyan wow.”

“What a neat example of how public utility jeepneys should be. :)” sabi naman ng isang nagbigay ng komento.

Pahayag naman ng ilan, bilang pasahero ay mahihiya ka na lamang umano na dumihan ang upuan dahil sa ganda at linis nito.

Ang iba naman ay mistulang napa ‘wow’ at napa ‘sana all’ dahil sa kakaibang disenyo ng sasakyan.

Kasakulukuyan namang mayroon ng 78K likes na at 93K share na ang naturang post online.