TINGNAN: Jeep na may 2 manibela, usap-usapan online

382
(Ed Halili Facebook)

Mistulang naging katuwaan online ang kakaibang jeep na nakuhaan ng isang netizen habang nakasakay siya rito.

Hindi lang kasi isa kundi dalawang manibela ang nakakabit sa harap ng sasakyan.

Sa larawang ibinahagi ng Facebook user Ed Halili nito lamang Enero 27, makikita nga ang isa pang manibela na nakalagay sa kanang bahagi ng jeep na bukod pa sa ginagamit ng driver.

INNITY ADS

Saad ni Halili sa kanyang post, “Sumakay ako ng jeep, umupo ako sa Front seat. Ta*na kinabahan ako! Akala ko ako magdadrive. 😫”

Agad na nakatanggap ng samu’t saring reaksyon ang post at umani ng iba’t ibang komento.




May nakapagsabing netizen na ang isang manibela ay para umano sa mga pasaherong uupo sa harapan, nang maramdaman din daw ng mga ito ang pakiramdam ng driver.

Sabi naman ng isa, “In case of emergency kung mawalan ng control si manong . 😂 😂

Pabiro namang sabi ng isang nagkomento, “Awit hahahaha paghindi pumara yun driver yun katabi nalng yun kausapin.”

Para rin daw ito sa mga gustong mag-aral ng pagmamaneho ayon naman sa ibang nagbigay ng pahayag.

Marami ang tila natuwa lang sa istura ng jeep lalo pa’t bago raw sa kanilang paningin.

May iba namang mukhang kinabahan pa nang makita ang dalawang manibela sa harapan.

Sa mahigit 600 nagkomento, kasalukuyan ng nasa 36K likes at 41K shares na sa Facebook ang naturang post.