TINGNAN: BSP, naghandog ng ‘Money Heist’-themed PPEs para sa mga staff ng Manila hospital

659
(Picture: Boylyn Cezar)

Hindi ang grupo ni Professor sa Money Heist Netflix series kundi mga frontliners ang mga taong nakasuot ng pula sa isang ospital sa Manila.

“Money Heist”-themed kasi ang naging personal protective equipment (PPE) ng mga staff sa Medical Center Manila.

(Boylyn Cezar photos)

Ayon sa uploader na si Boylyn Cezar, sila ay hindi mga magnanakaw sa sumisikat na serye kundi mga medical technologists ng ospital.

INNITY ADS

Handog daw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga PPEs na ito na masusuot ng mga frontliners na patuloy na tumutulong na masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, ang sikat na seryeng “Money Heist” ay grupong kinabibilangan ng mga magnanakaw na nakasuot ng pulang suit at nakamaskara sa isang bangko sa Spain.




Kamakailan lang ay naipalabas na ang ikaapat na season nito na mapapanood sa Netflix.