TINGNAN: Bagong silang na sanggol, viral dahil sa kakaiba nitong reaksyon

33028
(Rodrigo Kunstmann Facebook)

RIO DE JANEIRO, Brazil – Mistulang naging meme at katuwaan online ang reaksyon ng isang sanggol dahil sa seryoso nitong itsura matapos isilang ng kanyang nanay.

Ipinanganak noong Pebrero 13 ang batang si Isabela Pereira de Jesus sa pamamagitan ng cesarean delivery ayon sa report ng New York Post.

Ngunit imbes na maging masaya o umiyak ay tila galit itong lumabas sa sinapupunan ng ina.

INNITY ADS

Sa ibinahaging mga larawan ni Rodrigo Kunstmann, photographer ng panganganak ng ina ng bata na si Daiane de Jesus Barbosa, makikita ang nakakatuwang retrato ng sanggol.

Aniya, “She opened her eyes wide but did not cry. The doctor even had to say, ‘Cry, Isa!’”




Umiyak lang daw si Isabela nang putulin na ng doktor ang kanyang pusod.

Kaugnay nito, masaya namang ibinahagi ng ina nito ang pagiging proud sa  bagong silang na paslit.

“My baby was born courageous. It’s a meme already. She always wrinkles her forehead when changing diapers and nursing. Isabela was supposed to be born on the 20th, but she chose her day already showing her personality,” saad niya.

Ang seryosong itsura ni Isabela ay patunay lamang daw na isa itong batang matapang.

Marami naman ang natuwa sa sanggol kaya agad na umani ng libo-libong likes, shares at comments ang kanyang larawan sa social media.