TINGNAN: 19 nars sa isang ospital, pare-parehong nanganak taong 2019

139
(Methodist Health System Twitter)

19 nurses equals 19 babies!

Mistulang nag-usap-usap ang 19 na nars sa isang ospital sa Nebraska, USA dahil noong nakaraang taon, lahat sila ay pare-parehong nagsilang ng sanggol.

Kung isusumatutal, ang mga naturang nars ay biniyayaan ng malulusog at cute na cute na sanggol: 11 babae at 10 lalaki.

INNITY ADS

Nito lamang Linggo ay nagsama-sama ang mga ito bitbit ang kanilang mga paslit para sa mala-family picture na kuha na ibinahagi ng Methodist Women’s Hospital.

Habang karga ang kanilang mga anak ay may kanya-kanyang istorya ring baon ang bawat isa.




Sa post ng Methodist Health System sa Twitter, taong 2019 daw ay nagkaroon ng ‘baby boom’ sa kanilang ospital.

“There was a baby boom in the Methodist Women’s Hospital NICU last year, as 19 (!!!) staff members had babies,” saad sa post.

Sa ulat ng KMTV news station, ikinuwento raw ng isang NICU staff member na si Christy Mimiran na isang hamon daw sa kanila ang sunod-sunod na pagkakaroon ng maternity leaves ng kanilang mga nars.

“I think maybe it was a shock for our management knowing how many maternity leaves they were going to have to deal with and finding extra nurses to staff the unit when we were gone,” aniya.

Ngunit giit ni Mimiran, hindi naman daw naging mahirap sa kanila ang pangyayari at sinabing proud sila sa kanilang mga mommies.

Ang kakaibang karanasan daw ay mas nakapagparamdam sa mga ito na sila ay kabilang sa iisang pamilya.

“Then just having everybody go through these awesome babies… it just brings us even closer together,” saad niya.