#Quaranthings: Babae gumawa ng obstacle course sa bakuran para sa mga alagang aso, manok

697
Photos by Joe Collings Nutkins via Metro

Dahil sa lockdown kontra coronavirus pandemic, problema para sa ilang pet owner kung paano mapapanatiling aktibo ang kanilang mga alaga.

Sa England, United Kingdom, isang babae ang nakaisip na magtayo ng obstacle course sa bakuran ng kanilang bahay para sa mga aso, pati na mga manok.

Matagal na raw itong naiisip gawin ni Joe Collings Nutkins, ngunit nauudlot dahil sa kondisyon niyang madaling nakakapagdulot ng pagod, ayon sa Metro, Abril 20.

INNITY ADS

Pero salamat sa lockdown at nabuo ng 40-anyos dog trainer ang obstacle course para sa dalawa niyang aso na sina Ripley at Merlin, at walong manok nilang mag-asawa.

“During lockdown, I’m doing online classes and Ripley and Merlin are my helpers, but it can get very repetitive for them, and I wanted to give them something physical that was just for them and would challenge them,” sabi ni Nutkins.




“I’ve also created mazes for them, where they have to find a ball pool which contains a treat and then find their way out again,” dagdag niya.

Photos by Joe Collings Nutkins via Metro

Bukod kina Ripley at Merlin, nakikinabang din sa training ground ang mga inaalagaan nilang manok.

“We’ve had the chickens for a year, there are eight of them but we’re actually picking up four rescue chickens tomorrow, too. It was my husband, John’s idea, to get chickens,” kuwento niya.

“At the moment, I’m working on clicker training the chickens, by making them go through a hoop for a treat, which is nice and easy, but then we move onto the ramps in the garden,” dagdag niya.

Payo ng pet owner, mahalagang panatilihing nalilibang at aktibo ang mga alagang hayop, lalo na kung hindi sanay ang mga ito na 24/7 sa loob ng bahay.