Push-up bra na may hugis kamay na foam, kinatuwaan online

538
(Kinfar Vergara Facebook)

Marami ang natuwa sa kakaibang push-up bra na nakita ng isang netizen habang naghahanap siya ng bra sa isang pamilihan.

Hindi kasi ordinaryong foam ngunit hugis kamay ang nasa mismong loob ng bra.

Ibinahagi ni Kinfar Vergara sa kanyang Facebook account ang litrato kuha niya mismo kung saan makikita ang nakasabit na bra at may isang kamay na mistulang nakabukas-palad pa.

INNITY ADS

“Bumibili ako ng bra tapos kinakapa ko bawat bra kase ayoko talaga ng may foam then pag kapa ko dito sa bra na to ang weird kase bat iba tapos nung tinignan ko may kamay,” aniya sa kanyang post.

Creepy raw tingnan ang naturang bra, ngunit naging katatawanan ito para sa mga netizens.




Hindi naman nagpahuli ang mga nagbigay ng kani-kanilang komento sa nasabing larawan.

May isang nagsabi, “Push up bra kasi po yan. Mas better po kasi yung may kamay kaysa foam lang sarap gamitin tsaka napaka comfortable. Wag ignorante ha 2020 na.”

Para naman sa ilan, literal na may magpu-push na raw talaga dahil sa kamay na makikita sa loob ng bra.

Kasalukuyan namang nasa mahigit 5K likes at mahigit 6K shares na ang naturang post na umabot na rin sa libu-libong komento online.