Puno ng saging na ginawang ‘ATM’ ng mga sundalo, patok online

1152
Courtesy Jhimmybhoy Andres Mangrubang

Patok ngayon sa netizens ang nakatatawang pakulo ng ilang sundalong nakadestino sa kabundukan ng Burgos, Tarlac.

Sa kuhang video ni Jhimmybhoy Andres Mangrubang, makikitang nakapila ang miyembro ng militar sa harap ng puno ng saging.

Pero ang naturang puno, ginawa palang “automated teller machine”.

Animo’y nag-wiwithdraw sa kunwaring ATM ang mga sundalo dahil may pasukan ito ng card, may keypad, at may lumalabas ding pera.

WIDRaw ng bonus at cash gift. … sa BTM …landbank…banana ..Time Machine

Posted by Jhimmybhoy Andres Mangrubang on Friday, November 15, 2019

But wait there’s more! Bukod sa salapi, puwede din mag-withdraw ng chichirya sa “improvised machine”.

Tinawag nilang BTM o banana time machine ang nilikhang “ATM”.

Kuwento ni Mangrubang, pinapasaya lamang ng mga sundalo ang mga sarili para hindi ma-home sick.

Umabot na sa mahigit 1.5 million views at 100,000 shares ang video ng nakatutuwang gimmick ng militar.