Postman, naka-costume sa trabaho para makapagpasaya sa gitna ng quarantine

656
Jon Matson / Instagram

Hindi lamang mga sulat, kundi pati na kasiyahan ang hatid ng isang kartero sa mga taong nakakulong sa bahay dahil sa quarantine, na isa sa mga mungkahing solusyon kontra COVID-19 pandemic.

Naisipan ni Jon Matson, mula Sunderland, UK, na magsuot ng iba’t-ibang costume imbis na uniporme na apat na taon niya nang gamit sa pagde-deliver.

Sa buong linggong ito, nakapagbihis na ang 39-anyos na tatay bilang cheerleader, Little Bo Peep, Egyptian, at maging sinaunang tao.

Wala naman daw problema rito hanggat suot niya ang ID at company shoes nila, ayon sa Metro nitong Marso 31.

“So while this virus grips the world I still have to go to work and deliver post, today I done it in style and made a few people smile. That was the ultimate goal,” sabi ni Matson sa Instagram.




View this post on Instagram

Egypt was nice. The Nile is way smaller than it looks in the movies! #fancydresses #postman

A post shared by Jon Matson (@jon_the_viking_matson) on

Mula nang umpisahan niya ito, marami nang bumibisita sa kanyang Instagram para purihin at pasalamatan ang ginagawa niyang pagpapasaya sa panahon ng krisis.

Sa ngayon, secret daw muna ang iba pa niyang gagayahin, basta ang sigurado, mayroon daw siyang sandamakmak na nakatabing costume.