PANOORIN: TV reporter, aksidenteng napindot ang filters sa FB habang nag-uulat

2561
(Screenshots from WLOS ABC 13 video on Facebook)

Hindi inakala ng isang TV reporter mula North Carolina na ang seryosong weather forecast ay mauuwi sa katatawanan.

Huwebes nakaraang Linggo nang magpunta ang broadcaster na si Justin Hinton sa probinsya ng Madison para ireport ang kasalukuyang pagbagsak noon ng snow at kung paano ito nakaaapekto sa mga daanan sa lugar.

Ngunit nang pindutin niya ang Facebook live ng kanilang istasyon para simulan ang pag-uulat, bigla umanong may lumabas na iba’t ibang filters dito.

INNITY ADS

Sa ibinahaging video ng WLOS ABC 13 sa Facebook, mapapanood ang pasulpot ng ilang filters sa simula pa lang ng live report ni Hinton.

“Winter weather has come to Madison County. Justin Hinton is tracking it. What are you seeing where you are?” ayon sa FB post ng istasyon.




Unang mapapanood ang filter na may nakasabit na medalyon sa kanyang leeg saka sinundan ng mga gold confetti na tila umuulan sa video.

Sa pagpapatuloy nang pagrereport, matutunghayan ang iba pang sumunod na filters gaya ng giant dumpbells, wizard hat, at bigla ring sumulpot ang mga malalaking mata kay Hinton.

Nang matapos ang buong pag-uulat, saka nito ipinaliwanag na wala umano siyang ideya sa mga nangyari.

Aksidente raw niyang napindot ang mga face filters bago siya sumabak sa Facebook live.

Sa kabila nito ay marami naman ang natuwa habang pinapanood ang naturang forecast.

“LOVE all the looks of his face decorations!!!,” sabi ng isang nag-comment.

Biro naman ng isa, “I live in Arizona, I don’t miss snow at all, but the filters on your report made me tune in! I wish all weather reporters had filters. :)”

Dahil hindi pa rin makapaniwala si Hinton, ibinahagi niya rin sa kanyang Facebook ang ilan sa kanyang mga screeshots habang nag-uulat.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 300K views, 731 shares at mahigit 1K likes ang naturang video online.