PANOORIN: TikTok video ni ‘Marimar’ Thalia, kinagiliwan ng kanyang mga fans

2701
(TeamHerbon Official Facebook)

Tila hindi pa rin kumukupas ang ganda ng Mexican actress na si Thalia Sodi Miranda na nakilala sa mga teleseryeng “Marimar”, “Rosalinda”, “Maria Mercedes” at “Maria la del Barrio.”

Kinagiliwan kasi online ang ilan sa kanyang TikTok videos na mas ikinatuwa ng mga fans dahil sa kanyang ageless beauty.

Sa Facebook ng TeamHerbon Official, ipinost nito ang compilation TikTok video ni Thalia.

INNITY ADS

“THALIA (marimar) tiktok compilation 😍. Kaway kaway mga Batang 90’s. Super ganda pdn. 😘πŸ”₯ Ung last part talaga nagdala. Love nia pdn mga pin❀️y,” saad sa capption.

Mapapanood ang aktres na tila makulit sa kanyang mga video na sinamahan pa niya ng ilang mga dance moves.




Ayon sa ilang nag-comment, “Grabe vampire ata to walangpag babago lalong bumata. Ang tunay na maganda sa buong mundo 😍😍😍😍.”

“Beauty that doesnt goes old, i wonder how much blood she drank for the last 20 years…hahaha just kidding… she still looks like in her twenties,” biro naman ng isa.

Marami ang namangha dahil tila mas bumata raw si Thalia matapos ang ilang taon.

Samantala, agad nag-viral ang video na mayroon ng 35K likes, 2.7K comments at libu-libong shares sa Facebook.