PANOORIN: Tatay na kasamang mag-jogging ang alagang manok, kinaaliwan online

2375
(Screenshot from Papa Facebook video)

Isang nakakatuwang video ang naghatid ng good vibes sa netizens sa social media.

Sa ibinahaging video ng Facebook user na si Papa nito lang Mayo 19, mapapanood ang isang lalaki habang tumatakbo kasabay ng kanyang manok.

EPEKTO NG QUARANTINE . YUNG TATAY KO NAG JOGGING KASAMA ANG MANOK NYA HAHAHAHAHAHA

Posted by Papā on Monday, May 18, 2020

Saad sa caption ng post, “Epekto ng quarantine. Yung tatay ko nag-jogging kasama ang manok niya. Hahahaha.”

Sa video, mapapanood ang naturang tatay na kasabay na tumatakbo ang manok.

Matutunghayan din na napatigil pa ang alaga kaya muli itong tiniyaga ng tatay.




Sa huli ay nakuha rin ng manok ang tiyempo ng kanyang amo kaya sabay silang tumakbo ng diri-diretso.

Dahil marami ang natuwa sa video, kasalukuyan na itong mayroon na itong 278K views sa FB, 6.8K shares at 5K reactions online.